Monday, May 6, 2024

Garin may apela sa mga hospital ukol sa COVID-19

- Advertisement -

Umapela si Iloilo Rep. at dating Health Sec. Janette Garin sa mga ospital sa probinsya na maging handa sa pagsugpo sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang panayam, sinabi ni Garin na dapat na maging handa ang mga ospital sa lalawigan upang mabigyan ng kaukulang atensyong medikal ang mga pasyente doon.

Kaugnay nito, tinukoy ni garin ang mga pagamutan sa probinisya na maaring puntahan ng mga pasyenteng tinamaan na, o yung mga hinihinalang nahawa na ng virus.

Kabilang dito ang:

–              Bicol Sanitarium

–              West Visayas Sanitarium

–              Eversely Hospital Cebu

–              Mindanao Central Sanitarium

–              Sulu Sanitarium

–              Cotabato Sanitarium

–              Labuan Public Hospital Zamboanga

–              Schistomiasis Hospital Leyte

Samantala, labis namang pinapurihan ni Garin ang naging hakbang ng Department of Health (DOH) na magtalaga ng ospital na para lamang sa COVID-19 patients.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img