Monday, May 6, 2024

Mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City patuloy na nadaragdagan

- Advertisement -

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Quezon City.

Ito ay matapos na sumampa sa 40 ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod, kahapon.

Kabilang sa panibagong kaso ay ang tatlong doktor kung saan nabatid na isa sa mga nabanggit na doktor ang nakahawa pa ng mag-ina sa barangay Damayang.

Sa ngayon, nasa dalawa na ang death toll sa Quezon City dahil sa COVID-19 kung saan ang pinakahuling ulat ng pagkasawi ay isang lalaki na mayroong travel history sa Singapore.

Dahil dito, hinarangan na ng mga otoridad ang ilang kalsada sa lungsod kabilang na ang E. Rodriguez patungong Trinity College.

Matatandaang una nang isinailalim ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang buong lungsod ng Quezon sa state of calamity.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img