Mga kumpanya ng langis muling nagpatupad ng bigtime price rollback

0
63

Muling nagpatupad ng bigtime rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo alas dose kaninang hatinggabi, buena manong inilarga ng Chevron Philippines ang P2 na tapyas presyo sa kada litro ng gasolina at kerosene habang P2.10 sa diesel.

Sabay-sabay ding magpapatupad ng kahalintulad na price rollback ang Flying V, Petron, Total, Eastern Petroleum, Jetti, Ptt Philippines, Seaoil, Petro Gazz at Shell, kaninang ala sais.

Ito na ang ikawalong sunod na linggong nagpatupad ng bawas presyo ang mga oil company simula noong Oktubre.