28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pagbasura sa kaso laban kay Rep. Castro at iba pa ipinanawagan ng grupo ng mga mambabatas mula sa ASEAN countries

- Advertisement -

Ipinanawagan ng isang grupo ng mga mambabatas mula sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Duterte administration ang pagbasura sa mga wala umanong basehang kaso laban kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro.

Nahaharap si Castro maging si dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo at 16 na iba pa sa mga kasong kidnapping at human trafficking matapos mag-rescue umano ng grupo ng mga kabataang lumad sa Talaingod, Davao del Norte.

Ayon sa Malaysian Parliament member na si Charles Santiago, chairman ng ASEAN Parliamentarians for Human Rights, isa si Castro pinaka-huling opposition lawmaker na inaresto at ikinulong sa ilalim ng  Duterte administration.

Naka-babahala anya ang pagtatangka ng administrasyon na gumamit ng mga kathang-isip na kaso laban sa mga miyembro ng oposisyon at dapat nang matanggal ang ganitong sistema nang pang-haharrass sa lalong madaling panahon.

Iginiit din ni Santiago na dapat bigyang-pagkakataon ang mga Filipino maging ang inihalal upang kumatawan sa kanila na maglabas ng malayang kritisismo laban sa mga otoridad nang walang pananakot at panggigipit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -