33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Pinaigting na kampanya kontra iligal na droga magpapatuloy

- Advertisement -

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pagkakalooban ng pardon ang mga pulis na pumatay sa 17-year-old na si Kian Lloyd delos Santos.

Ito ang binigyang diin ng pangulo matapos hatulang guilty ng Caloocan City Regional Trial Court (RTC) Branch 125 sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz.

Ayon kay Pangulong Duterte, tanging ang mga pulis na may kinakaharap na kasong may kaugnayan sa kanilang tungkulin ang kanyang tutulungan o bibigyan ng pardon at hindi ang mga lumalabag sa batas.

Una nang nag-desisyon si Caloocan City RTC Branch 125 Rodolfo Azucena na hatulan ng hanggang apatnapung taong pagkakabilanggo at hindi eligible sa pardon ang tatlong akusado.

Batay sa pasya ni Judge Azucena, napatunayang “guilty beyond reasonable doubt” ang tatlong pulis dahil sinadyang patayin ang biktima na hindi naman armado na pinagtibay naman ng testimonya ng mga   saksi sa krimen at CCTV footage.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -