Sunday, May 5, 2024

Mga kritisismo sa Malakanyang ukol sa pagkalat ng nCoV sa bansa sinagot

- Advertisement -

Pinalagan ng Malacañang ang ulat na “kampante” ang pamahalaan sa banta ng 2019 novel coronavirus.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang katotohanan ang mga kritisismong ibinabato sa pamahalaan dahil sa katunayan ay pinapagana na ng mga otoridad ang mga protocols para maiwasan ang pagkalat ng nCoV sa bansa.

Bukod aniya sa travel ban sa Hubei Province ay inatasan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng tsuper ng mga pampublikong sasakyan na magsuot ng face masks.

Inatasan na rin ang mga terminal at operator na magpatupad ng mas malinis at maayos na sanitation, at pamamahagi ng libreng sanitizers sa mga pasahero.

Samantala, inaasahan namang maglabas ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) ng mga panuntunan upang hindi lumaganap ang sakit sa mga opisina.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img