Limang negosyanteng Chinese arestado sa pagbebenta ng overpriced na face masks sa Manila

0
13

Arestado ang limang negosyanteng Chinese dahil sa overpricing ng face masks, sa gitna ng mataas na demand nito dahil sa nCoV scare.

Ito ay matapos salakayin ng mga tauhan ng Manila Police District- Smart (MPD) o special mayor’s reaction team ang ilang tindahan sa Bambang at isang mall sa Divisoria.

Ayon kay MPD-Smart Chief Maj. Rosalino Ibay Jr. nagkakahalaga ng P50 ang ibinibentang surgical mask mula sa dating tatlong piso lamang kada isa.

Habang ang N95 masks naman na dating P40 lamang ay ibinebenta ng P200 kada isang piraso.

Dahil dito, muli nagbabala ang mga otoridad sa mga negosyanteng mananamantala sa sitwasyon.