Thursday, May 2, 2024

Mga komunista ang numero unong banta sa Pilipinas —Duterte

- Advertisement -

‘Ang mga komunista ang numero unong banta sa Pilipinas.’

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ulat sa bayan nitong Lunes sa gitna ng kaliwa’t kanang panawagan na ibasura ang kontrobersiyal na anti-terrorism bill dahil posible umano itong maabuso at malabag ang karapatang pantao.

The number one threat to the country, hindi Abu Sayyaf, hindi mga terrorista of no value. Ito ‘yong high-value targets, itong mga komunista,” ani Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, kaya aniya ang ipinag-uutos nito sa Armed Forces at sa mga sundalo ay ang ‘upakan’ ang mga ito.

Kaya ang utos ko talaga sa Armed Forces na sundalo, upakan mo,” ani Duterte.

Sinamantala rin, ani Duterte, ng Communist Party, maging ng Abu Sayyaf, ang nararanasang COVID-19 pandemic sa bansa.

Kung hindi aniya siya kikilos bilang pangulo ng bansa ay posibleng manganib ang demokrasya na matagal nang tinatamasa ng mga Pilipino.

Umaasa rin ang Pangulong Duterte na hindi na aabot pa na kinakailangang gumawa ito ng mas marahas na pamamaraan hinggil sa sitwasyon.

‘Wag na tayo sana umabot sa… that I have to kill you, kung wala nang iba,” ani Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img