32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

99,000 Pinoy nasagip ng lockdown vs. COVID-19 —Roque

- Advertisement -

Nasagip ang tinatayang nasa 99,000 buhay ng mga Pilipino simula nang ipatupad ng pamahalaan ang lockdown laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ang ipinagmalaki ng Malacañang na anila’y tagumpay ng bansa laban sa naturang virus.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahigit 1,000 pa lamang ang namamatay sa bansa kung ikukumpara sa Amerika, Spain at Italy.

Aniya, pruweba ito na maraming buhay ang naisalba dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ).

Dahil sa quarantine measures, mahigpit na kontrolado at mahigpit na ipinagbabawal ang basta-bastang paglabas ng tahanan kung hindi naman kinakailangan.

Dagdag pa ni Roque, ikinagagalak ng Palasyo ang pagkaunti ng mga namamatay sa bansa bunsod ng COVID-19 kasunod ng lalo pang paghusay sa pagpapagaling sa mga tinamaan ng sakit.

Samantala, nakikiusap naman si Roque sa publiko na hanggat walang bakuna ay manatiling malusog at magsuot palagi ng face masks.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -