Full Alert Status ang buong pwersa ng pulisya isinailalim na sa NCR

0
54

Isinailalim na sa Full Alert Status ang buong pwersa ng pulisya sa NCR o National Capital Region, kasunod ng nangyaring pagsabog sa Indanan, Sulu kahapon.

Ito ayon kay NCRPO o National Capital Region Police Office Chief Maj. General Guillermo Eleazar, kung sinabi rin nito na sa ngayon ay wala pa silang namomonitor na anumang banta sa seguridad sa Metro Manila.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Eleazar na ang naturang hakbang ay Pro-Active Response lamang ng pulisya para mapabilis ang pag-responde sa anumang pag-atake.

Sa ngayon, hinikayat naman ni Eleazar ang publiko na maging mas mapag-matiyag at agad na ipag bigay sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang bagay at tao sa paligid.