Mga kaso ng COVID-19 sa San Juan mahigit 40 na

0
18

Hindi bababa sa 40 ang bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng San Juan.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Juan, simula kahapon nasa higit 40 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang lungsod.

Batay sa datos maituturing na hotspot sa lungsod ang barangay Greenhills, West Crame dahilan para dahil naitala sa mga nabanggit na barangay ang pinakamaraming kaso ng COVID-19.

Sa ngayon nasa halos 100 na ang persons under investigation (PUI) sa San Juan City, habang nasa 145 naman ang persons under monitoring (PUM).