Duterte itinalaga ang lingggong ito bilang ‘National Week of Prayer’ dahil sa COVID-19 pandemic

0
9

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang linggong ito bilang ‘National Week of Prayer’ dahil pa rin sa coronavirus disease (COVID-19) global pandemic.

Ito ay dahil ramdam na sa bansa ang panganib ng COVID-19.

Batay sa Proclamation Number 934 na nilagdaan mismo ng Pangulo, hinihikayat nito ang sambayanang Filipino, anuman ang relihiyon na sama-samang magdasal upang malampasan ang kinahaharap na problema ng bansa.

Kaugnay nito, umapela rin ang Pangulo sa mga Filipino na ipanalangin ang agarang paggaling ng mga tinamaan ng virus, gayundin para sa kaligtasan ng mga frontliners.