Friday, May 17, 2024

Mga kapulisan nakapwesto sa unahan ng lubid ng andas

- Advertisement -

Pangungunahan ng Philippine National Police (PNP) ang pagbubukas ng Traslacion sa kauna-unahang pagkakataon.

Ito ang binigyang diin ni Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng simbahan ng Quiapo kung saan sinabi nito na pupuwesto ang mga pulis sa unahan ng lubid ng andas.

Sinabi ni Badong na ang mga pulis ang ipupuwesto sa unahan ng andas upang mahawi at mapigilan ang mga humaharang na deboto, at mapanatili ang kaayusan sa prusisyon.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Badong na batid naman ng kapulisan ang posibleng balakid na kaharapin nila lalo na’t hindi na aniya lingid sa kanilang kaalaman kung gaano ka-determinado ang mga mamamasan ng Poong Itim na Nazareno.

Samantala, nilinaw naman ni Badong na papayagan naman nilang makasampa ang mga deboto sa unahan ng andas kapag nakalampas na sa Roxas Boulevard ang prusisyon.

Una rito, napaulat na sa likod lamang ng andas papayagang makasampa ang mga deboto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -