33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Inisyung warrant of arrest vs. Trillanes hawak na ng NCRPO

- Advertisement -

Hawak na ng NCRPO o National Capital Region Police Office ang kopya ng warrant of arrest na inilabas ng Davao City Regional Trial Court laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ito’y kaugnay sa isinampang kasong libelo ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte hinggil sa ginawang pagdawit ni Trillanes sa kaniya sa 6.2 bilyong pisong shabu shipment.

Gayundin ang pagdadawit ni Trillanes sa nakababatang Duterte sa umano’y pangingikil nito sa ride sharing app na Uber at iba pang kumpaniya.

Ayon kay NCRPO Chief P/Dir. Guillermo Eleazar, nakikipag-ugnayan na sila sa Senate sergeant at arms hinggil sa kaso ni Trillanes at sinisikap na rin nilang alamin ang kinaroroonan nito.

Subalit, tiwala si Eleazar na maglalagak ng piyansa si Trillanes makaraang itakda ito ni Davao RTC branch 54 judge Melinda Alconel – Dayanghirang na nagkakahalaga ng dalawampu’t apat na libong piso (P24,000).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -