Mga kabataang gumagala sisitahin ng pulisya — PNP-NCRPO

0
25

Sisitahin ng mga pulis ang mga kabataang makikitang gumagala sa matataong lugar tulad ng internet cafe’s, malls at iba pa.

Ayon kay Major General Debold Sinas, hepe ng PNP NCRPO, kaya sinuspende ang klase sa mga paaralan ay upang manatili sa kanilang mga tahanan ang mga estudyante at hindi para gumala.

Sinabi ni Sinas na pauuwiin lamang naman ng mga pulis ang mga sisitahin nilang kabataan.

Plano rin anya nilang magpatupad ng curfew hours para sa mga kabataan subalit depende ito sa panuntunan ng bawat LGU.