Price freeze ipapatupad ng 60 days — DTI

0
15

Hindi tataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa susunod na 60 araw.

Ipinatutupad na ng Dept. of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa lahat ng pangunahing bilihin kasunod ng deklarasyon ng state of public health emergency dahil sa COVID-19 na mayroong bisa sa 60 araw.

Nauna nang nagpatupad ng price freeze ang DTI sa presyo ng mga mahahalagang gamot o medisina sa kasagsagan ng COVID-19 outbreak.