Mga health workers sa bansa na nagpositibo sa COVID-19 mahigit 6,000 na

0
16

Nadagdagan pa ng 550 ang bilang ng mga health workers sa bansa na tinamaan ng COVID-19.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), umakyat na sa 6,006 ang kabuuang bilang ng mga health workers na nagpositibo sa naturang virus.

Mula sa nabanggit na bilang 901 dito ang aktibong kaso na kasalukuyang isinasailalim sa quarantine.

Pinakamarami naman sa tinamaan ng COVID-19 sa hanay ng medical professions ay ang mga nurses na mayroong 2,066 na kaso, doctors na nasa 1,293, nursing assistants na nasa 418, medical technologists na mayroong 259 na kaso habang 130 naman sa hanay n radiologic technologists.

Samantala, umakyat naman sa 5,066 ang healthworkers na nakarekober sa COVID-19 habang nananatili naman sa 39 ang nasawi.