Mga pangangailangan ng mga guro pinatutugunan ni Robredo sa DepEd

0
14

Nananawagan sa Department of Education (DepEd) si Vice President Leni Robredo na tugunan nito ang mga pangangailangan ng mga guro ngayong iniurong na sa Oktubre 5 ang pagbubukas ng klase.

Sa isang panayam sa bise presidente, inihayag nito na siya’y umaasa na gagamitin ng DepEd ang mahabang oras upang matulungan ang mga maliliit, malalayo at mahihirap na paaralan sa bansa.

Ayon kay Robredo, marami kasi ang mga eskwelahan sa bansa na hindi pa handa sakaling natuloy ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24.

Kabilang aniya, sa mga inaalala ng mga guro ang problema sa printing, pamamahagi ng learning modules at kahandaan sa distance learning.

Iginiit rin ni Robredo ang kahalagahan ng epektibong komunikasyon sa mga guro upang maresolba ang mga isyu kabilang na ang proteksyon ng mga guro mula sa COVID-19.