Bagong quarantine status ng Metro Manila, karatig lalawigan iaanunsyo ni Pangulong Duterte ngayong araw

0
21

Nakatakdang i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang bagong community quarantine status ng Metro Manila at ilang karatig na lalawigan.

Ito ay bago matapos ang umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) bukas, Agosto 18.

Samantala, una namang inanunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque noong Sabado na mananatili sa general community quarantine (GCQ) hangang sa Agosto 31 ang mga lugar ng Nueva Ecija, Batangas, Quezon, Iloilo City, Cebu City, Mandaue City, Lapu-Lapu City, Talisay City, Munisipalidad ng Minglanilla, at Consolacion sa Cebu.

Habang, mananatili naman sa modified general community quarantine (MGCQ) ang mga hindi nabanggit na lugar.