33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mga hakbang sa peace negotiations ni Duterte may gusto umanong sumabotahe

- Advertisement -

Hindi dapat makinig si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga peace advisers na hindi naman miyembro ng peace panel, pagdating sa usapang pang-kapayapaan.

Ito ang apela ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate hinggil sa plano ng Pangulo na muling buhayin ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng grupo na CPP-NPA.

Ayon kay Zarate, sa kabila ng mga hakbang ng gobyerno na hikayatin ang mga rebelde na magbalik-loob ay nasimulan rin ang crackdown sa mga progresibong grupo na itinuturong pumo-protekta at may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF.

Paliwanag ni Zarate, tila kasi may mga gumagawa ng paraan upang madiskaril ang peace negotiators dahil sa balak na ilatag na pre-conditions tulad ng pagsasagawa ng usaping pangkapayapaan dito sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -