Mga gumaling sa COVID-19 sa bansa umakyat na sa 3,000

Mga gumaling sa COVID-19 sa bansa umakyat na sa 3,000

by Powered by DWIZ
25 views

Umakyat na sa 3,000 ang bilang ng mga gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

It0’y makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 68 na bagong recoveries sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Department of Helath  (DOH), sumampa naman sa 13,434 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa bunsod ng 213 na bagong kaso.

Sa bilang na ito, 98 ang nadagdag sa National Capital Region (NCR), 98 sa Region 7 at 17 naman sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Samantala, 846 na ang mga nasawi dahil sa coronavirus matapos pumanaw ang apat pang pasyente.

0 comment

Related Posts