Mga frontliners binigyang-pugay ni Robredo sa Nat’l Heroes’ Day

0
21

Binigyang pagpupugay ni Vice President Leni Robredo ang mga frontliners ngayong Araw ng mga Bayani.

Sa isang pahayag, sinabi ni Robredo na dapat bigyang parangal ang mga frontlines na matapang na humaharap, at nag sasakripisyo upang malabanan ng bansa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Robredo, sa gitna nang ng pandemyang kinahaharap ng bansa ay dapat lamang na isabuhay ng bawat Pilipino ang kabayinahan, gaya na lamang ng tapang na ipinapakita ng bawat medical frontliners, kawani at opisyal ng pamahalaan, uniformed personnel, at mga volunteers na handang tulungan ang bawat isa.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo, dapat din na gawing inspirasyon ng mga Pilipino ang sakripisyo ng mga bayani para malagpasan ang krisis na ito.