Paggamit ng ‘wild mushroom’ ng ilang estudyante iimbestigahan ng DepEd

0
16

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na kanilang iimbestigahan ang napaulat na pagpasok at paggamit ng mga estudyante sa paaralan ng “wild mushrooms” na ginagamit bilang alternatibo sa illegal na droga.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, kanilang sisiyasatin ang naturang report para masiguro na malayo ang mga mag-aaral sa kapahamakan.

Aniya, pinag-aaralan na rin ng kanilang ahensya ang pagsama sa curriculum ng drug education nang sa gayon ay maiwasan ng mga estudyante ang paggamit ng mga illegal na droga.

Samantala, nakikipagtulungan narin ang DepEd sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan para hindi makapasok sa mga paaralan ng bansa ang mga iligal na droga.