34.5 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Mga doktor na nasawi sa COVID-19 sa bansa umakyat na sa 21 —PHAP

- Advertisement -

Umakyat na sa 21 ang mga doktor sa bansa na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) –batay sa datos ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP).

Bagamat hindi pinangalanan, kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na ang pinakahuling nasawing doktor ay mula sa Zamboanga City na namatay sa pneumonia at multiple organ failure dahil sa hinihinalang COVID-19.

Ang 38-taong gulang na doktor na napag-alamang pediatrician ay nakaramdam na umano ng sintomas ng virus noong ika-26 ng Marso ngunit hindi ito agad nakuhanan ng swab test bago mamatay.

Ayon sa presidente ng PHAP na si Rustico Jimenez, isang dahilan sa pagkasawi ng maraming doktor sa bansa ang kakulangan ng personal protective equipment (PPE).

Dahil dito, agad namang nagpalabas ng kautusan ang Food and Drug Administration (FDA) ng agarang pagrelease ng mga PPEs sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -