DA umaapela ng P1-B na supplemental budget

0
20

Umaapela na ang Department of Agriculture (DA) ng P1-B halaga ng supplemental budget para matugunan ang mga programang pang-agrikultura sa harap ng banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng DA na humiling sila ng P1-B na halaga ng supplemental budget para sa food security at upang matiyak na hindi tataas ang presyo ng mga bilihin.

Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, ang pondong ito ay gagamitin ng kagawaran upang matiyak na sasapat ang suplay ng pagkain at upang matiyak din na mananatili sa tama ang halaga ng mga ito.

Sinabi pa ng kalihim, maari rin aniyang magamit ang naturang supplemental budget para sa patuloy na produksyon, processing at packaging ng mga pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan sa Metro Manila.