Mga dayuhan na nais makapasok na bansa hindi na pahihintulutan — DOTr

0
29

Hindi na papasukin sa bansa ang mga dayuhang magnanais na makapasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Epektibo sa linggo, Marso 22 ang ipatutupad na temporary ban ng Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng dayuhan anuman ang nasyonalidad na papasok sa Pilipinas.

Ang kautusan na ito ay kaugnay ng ipinalabas na direktiba ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan sususpendihin ang pagbibigay ng visa sa lahat ng mga dayuhan.

Kabilang sa mga maapektuhan ang visa-free privilege, visa waiver agreements, Hong Kong at Macau special administrative region passports, Macau portugese passports, at British national overseas passports.

Kaugnay nito, ang mga dayuhan naman na mayroon ng visa at foreign nationals na mayroong temporary visa ay hindi rin papasukin sa bansa.

Binigyang diin ng DFA na papayagan naman nila ang mga outgoing foreign nationals o yung mga dayuhan papaalis ng Pilipinas na makabalik sa kani-kanilang mga bansa.

Sa ngayon, nilinaw ng pamahalaan na tanging mga Filipino lamang ang papayagang makapasok ng Pilipinas.