Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nadagdagan

0
14

Nadagdagan pa ng 13 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), tumaas din ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID kung saan sumampa na ito sa bilang na 18.

Sa nasabing datos, nasa kabuuang 230 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Kasabay nito, ipinagmalaki naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sumampa na sa walo ang bilang ng mga pasyenteng naka-recover sa virus.