Donation drive para sa mga apektado ng enhanced community quarantine, inilunsad ni Maine Mendoza

0
29

Inilunsad ni Maine Mendoza ang isang “DoNation drive” para makatulong sa mga apektado ng enhanced community quarantine.

Ayon sa facebook post ng aktress, sinabi nito na siya ay mamimigay ng P1,000 sa kada kabahayan para pambili ng groceries at iba pang pangangailangan.

Ani Maine, sa ganitong paraan aniya niya naiisip para makatulong sa mga nangangailangan at higit na apektado ng community quarantine.

Tiniyak pa ni Maine na pangungunahan niya ang pagbibigay ng mga donasyon at sisikaping mabigyan ang maraming tao mula rito.

Kasabay nito hinikayat ng aktres ang iba pang may kakayahang mag donate na maaaring ipaabot umano sa kaniyang gcash number na 09563890291.