Mga dayuhan hind na muna makakapasok sa bansa

0
21

Hindi na makapapasok pa sa bansa ang mga dayuhan.

Epektibo simula kahapon ang temporary ban sa mga dayuhan anuman ang nasyonalidad na makapasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Cabinet Sec. Carlo Alexi Nograles, hindi na rin mag-iisyu ang pamahalaan ng visa sa mga dayuhan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na suspendido rin ang pagbibigay ng pamahalaan ng visa-free privileges, at mga holder ng passports gaya ng, Hong Kong at Macau Sar passports at British national overseas passports.

Dagdag pa ni Dulay, ang mga foreign nationals na unang nang nagkaroon ng visa sa pamamagitan ng foreign sevice ay hindi rin pahihintulutang makapasok ng Pilipinas.

Aniya, tanging mga Filipino lamang, kanilang mga asawang dayuhan at anak ang papayagang makapasok sa Pilpinas.

Ang naturang direktiba ay bunsod ng tumataas na bilang ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, at sa ibang bansa.