Mga Chinese nat’l dapat pagbawalang papasukin sa bansa —Pangilinan

0
38

Iminungkahi ng isang senador na pagbawalan ng pamahalaan ang mga Chinese nationals na papasukin ng bansa sa halip na unahin ang pagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na magbiyahe sa Estados Unidos.

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, ang mga Chinese nationals ang dapat na pagbawalan ng gobyerno na makapasok ng bansa para maiwasan ang pagpasok ng 2019 novel coronavirus (nCoV) sa Pilipinas.

Iginiit pa ng senador na dapat prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng publiko hindi ang interes ng iilan dahil sa isyu ng pagkansela ng kanilang visa.

Magugunitang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang intensyon na ipagbawal ang mga flights na dumating sa bansa na magmumula sa China na ground zero ng nCoV. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)