Recruiters ni Mary Jane Veloso hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong

0
27

Hinatulan ng panghabambuhay na pagkakakulong ang mga recruiter ni Mary Jane Veloso na nasa death row ngayon sa Indonesia dahil sa ilegal na droga.

Ito ay matapos na mapatunayan ng korte sa Nueva Ecija na guilty ang mag-asawang sina Cristina Sergio at Julis Lacanilao sa kasong large scale illegal recruitment.

Nilinaw naman ni National Union of Peoples Lawyers (NUPL) Atty. Edre Olalia, ang naturang kaso ng mag-asawang recruiter ay hiwalay sa kaso ni Mary Jane Veloso.

Aniya, bagamat hindi ito kaso ni Veloso ay parang nakamit narin nila ang hustisya dahil sa pagkakakulong sa mga recruiter nito habambuhay.

Samantala, tiwala naman ang ina ni Mary Jane Veloso na si Aling Celia na malapit nang makalaya ang kanyang anak na nakapiit sa Indonesia.