‘Di kailangan ng travel ban sa China —PH amb to China

0
15

Hindi na kinakailangan ang travel ban sa bansang China.

Ito ay sakabila ng patuloy na pagdami ng bilang ng namamatay sa Mainland, China dahil sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Paliwanag ni Philippine Ambassador to China Chito Sto. Romana, hindi na kailangan magpatupad ng pilipinas ng travel ban dahil mismong China na ang nagpapatupad ng travel ban sa kanilang mga residente.

Sa kabila nito, pinaghahandaan pa rin ng mga otoridad ang paglikas sa 50 Pilipino sa Hubei, China.

Iginiit naman ni Sto. Romana na dapat pag-isipan ang naturang hakbang dahil maaaring ang mga inilikas na Pinoy mula sa China ay kontaminado na ng nCoV.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na ang lahat ng Pilipinong uuwi ng bansa mula China ay isasailalim sa 14-day quarantine.