Mga cargo na maghahatid ng suplay sa Luzon, hindi na haharangin —Nograles

0
11

Hindi na haharangin sa mga checkpoint ang mga cargo na maghahatid ng suplay ng pagkain, gamot at mga pangunahing pangangailangan.

Ito ang tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, habang umiiral ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Inatasan naman ng malakanyang ang Philippine National Police (PNP) na payagan ang pagbyahe ng mga cargo.

Gayunman, dapat ay masusi pa rin itong inspeksyunin ng mga otoridad.