DILG nilinaw na total lockdown ang idineklarang enhanced community quarantine ni PRRD

0
12

Nandigan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na total lockdown ang ibig sabihin ng ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Dahil dito, pinapaalalahanan ng ahensya ang publiko na manatili sa kani-kanilang mga tahanan at papayagan lamang lumabas ang mga nagtatrabaho sa ospital, medical facilities, bangko at tindahan ng pagkain at komunikasyon.

Papayagan ring makalusot sa mga checkpoints ang mga bibili ng pagkain, damot at ano mang emergency.