Delivery services papayagan pa rin sa gitna ng quarantine period —IATF

0
9

Patuloy pa ring papayagan ang  delivery services sa panahon ng umiiral na enhance community quarantine sa buong luzon dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay ito sa ipinalabas na operational guidelines  ng ito ay batay sa ipinalabas na operational guidelines ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.

Gayunman nilinaw ni IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, limitado lamang ito sa pagdedeliver ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain at gamot.

Una rito inanunsyo ng food delivery services company na Grab food  at Food Panda ang suspensiyon ng kanilang operasyon simula kahapon, Marso 17.

Alinsunod anila ito sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Luzon.