Mahigpit na binabantayan ng PCG o Philippine Coast Guard ang mga bumibiyahe sa lahat ng pantalan ngayong papalapit na ang Semana Santa.
Batay sa pinaka-huling report ng DOTr o Department of Transportation at PCG, nasa mahigit 80,000 pasahero na ang naitalang lumabas ng Maynila mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 6:00 ng gabi, kahapon.
Kaugnay nito, nagsimula rin namang dumagsa ang mga pasahero sa 17 bus terminal sa Araneta Bus Terminal.
Samantala, tiniyak naman ng mga otoridad na patuloy nilang i-momonitor ang mga pantalan at terminal ng bus sa bansa.