Antas ng tubig sa Angat Dam posibleng umabot na sa kritikal na lebel

0
48

Posibleng umabot na sa critical level ang antas ng tubig sa Angat Dam sa huling linggo ng Abril.

Ito ang ibinabala ng NWRB o National Water Resources Board sa patuloy na nararanasang tag init sa bansa.

Batay sa ulat ng NWRB, bumagsak sa 187.7 meters above sea level ang tubig sa nasabing dam kung saan ay pitong metro na lamang bago ito pumalo sa 180 meters na critical water level.

Kasabay nito, umapela naman ang ahensiya sa mga residente sa Metro Manila na magtipid muna sa paggamit ng tubig.

Umaabot naman sa 96 porsyento ng tubig na ginagamit ng mga residente sa Metro Manila ay mula sa Angat Dam.