Pinsala ng el niño sa agrikultura sa Ilocos Norte pumalo na sa halos 11-M

0
61

Pumalo na sa halos 11.5 million pesos ang halaga ng pinsala ng el niño sa sektor ng agrikultura sa Ilocos Norte.

Ayon sa agriculture office ng nasabing lalawigan nasa 11.3 million pesos na ang halaga ng nasirang pananim na palay habang 300,000 piso naman ang halaga ng napinsalang pananim na mais.

Samantala, inaasahan namang tataas pa ang halaga ng pinsala sa oras na makalap na ng Department of Agriculture ang datos mula sa ilang mga bayan sa Ilocos Norte.