Sunday, May 5, 2024

Mga bumabatikos sa loan agreement ng China pinasaringan ni DOF Sec Dominguez

- Advertisement -

Mga nangangambang mabaon sa utang ang Pilipinas dahil sa pinasok na kasunduan sa China tinawag na walang tiwala sa sariling bayan.

Tinawag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na “walang tiwala” sa sariling bayan ang ilang sektor na nangangambang mabaon sa utang o hindi makabayad ang Pilipinas sa China.

Ayon kay Dominguez, wala sa kasaysayan na nabigo ang Pilipinas na makapagbayad ng utang sa kahit na anong bansa at kahit sa pinaka-malalang sitwasyon tulad ng pagtama ng mga kalamidad o pagsiklab ng digmaan.

Kahit anya kinapos noon ng cash ang Pilipinas, nakapagbayad pa rin ang gobyerno ng utang at halimbawa nito ay ang 2.2 billion dollars na ginastos sa pagpapatayo ng Bataan Nuclear Power Plant na hindi naman ginagamit.

Nilinaw din ni Dominguez na wala namang “collateral” sa bawat utang ng Pilipinas sa kahit anong bansa.

Hinamon naman ng kalihim ang mga kritiko na suriin ang lahat ng terms ng mga loan agreement na nilagdaan ng bansa sa mga development partner nito na maaaring silipin sa Department of Finance website na www.dof.gov.ph.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img