Mahusay na IRR ng ‘Doble Plaka Law’ tinalakay ni Gordon at mga opisyal ng LTO

0
54

Nagpulong sina Senador Dick Gordon at mga opisyal ng Land Transportation Office sa pangunguna ni Assistant Secretary Edgar Galvante.

Ito’y upang matiyak na ang bubuing implementing rules and regulations para sa Motorcycle Crime Prevention Act o Doble Plaka Law ay tutupad sa layunin nitong solusyonan ang pagtaas ng krimen na kinasasangkutan ng mga riding-in-tandem.

Ayon kay Gordon, ilang dekada nang ginagamit ang motorsiklo na instrumento sa pagpatay at batay sa talaan ng PNP ay apat na kaso ng pagpatay ang isinasagawa ng riding-in-tandem kada araw.

Noong 2016 anya ay umabot sa mahigit 4,000 kaso ng motorcycle riding crimes ang naitala pero point 18 percent lamang ang naresolba.

Ibinahagi rin ng senador ang istratehiyang ginamit sa Olongapo City kaya’t nagtagumpay ang color-coded number system sa pagpapababa ng bilang ng krimen sa lungsod.

(with report from Cely Ortega- Bueno)