35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

PAGIBIG plano na ring magtaas ng kontribusyon

- Advertisement -

Plano na rin ng home development mutual o PAGIBIG fund na magtaas ng kontribusyon ng kanilang mga miyembro.

Mula 1986, napako na sa 100 pesos kada buwan ang kontribusyon ng mga miyembro kaya aapila ang PAG-IBIG na itaas ito sa 150 o 200 pesos na tatapatan din ng employer.

Ayon kay PAG-IBIG President at Chief Executive Officer Acmad Moti, pumalo sa pinakamataas na antas ang housing at multi-purpose loan kung saan sa pabahay pa lang, hindi bumababa sa 15 percent ang dagdag sa pautang nitong nakalipas na pitong taon.

Balak anya nilang magtaas ng kontribusyon kung patuloy na lumagpas ng 10 percent ang dagdag sa pautang lalo’t mas mabilis ang paglaki ng pautang sa mababang interes kaysa paglaki ng kontribusyon ng miyembro.

Sakaling aprubahan, sa taong 2021 pa kailangan ang dagdag contribution rates.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -