Friday, May 3, 2024

Mga botante pinaalalahanan na huwag maging traydor sa Diyos ngayong eleksyon

- Advertisement -

Pinaalalahanan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga botante na huwag na uling traydurin ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang boto.

Sa isang video post sa Facebook, ipinakita si Villegas habang nagbabasa ng iba’t ibang talata sa bibliya.

At sa pagitan ng bawat talaga sa bibliya ay ipinakikita ang video clips ng mga pag-atake at pagmumura ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko, sa mga pari at maging sa Diyos.

Sa isang video clip kung saan tinawag na stupid ng pangulo ang Diyos, binasa ni Villegas ang Psalms chapter 14 verse one, “Wala namang Diyos, ang sabi ng hangal sa kanyang sarili. Silang lahat ay masasama, kakila-kilabot ang kanilang mga gawa. Walang gumagawa ng mabuti, wala na nga, wala.”

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img