Imbestigasyon ng Kamara hinggil sa water supply shortage tatapusin na — Arroyo

0
57

Dapat nang tapusin ng Kamara ang imbestigasyon hinggil sa nararanasang water crisis sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal.

Ito ang iminungkahi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo dahil sapat na aniya ang naging mga pagdinig ng mababang kapulungan.

Narinig na rin aniya ng mga kongresista ang dapat nilang malaman, at inihain na ng manila water company ang kanilang mga solusyon para matugunan ang naging problema.

Tiniyak din ni Arroyo na iinspeksiyunin niya ang iba pang mga hakbang ng naturang water concessionaire tulad ng pagdedeploy nila ng stationary tanks sa Mandaluyong, pagbubukas ng mga deep well sa Blue Ridge at ang Cardona Water Treatment Plant.