Wednesday, May 8, 2024

Dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario tuluyan nang hindi pinapasok sa Hong Kong

- Advertisement -

Kinuwestiyon ng Malacañang ang pagpunta ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario sa Hong Kong.

Kasunod ito nang ginawang pagharang kay Del Rosario sa Hong Kong International Airport, Kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi nila mabatid kung bakit bumiyahe pa rin si Del Rosario patungong Hong Kong gayong una na ring hinarang ng mga otoridad doon si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Ani Panelo, kung siya ang nasa kalagayan ni Del Rosario ay hindi na niya tatangkain pang pumunta sa Hong Kong dahil sa sinapit ni Morales.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Panelo na hindi rin maaring kuwestiyunin ng pilipinas ang desisyon na ito ng Hong Kong.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img