36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mga Bayan Sa Camarines Sur Nagpalabas Na Ng Patakaran Sa Selebrasyon Kan Undas Ayon Sa Kautusan Ng IATF

- Advertisement -

Iriga City — Sa bayan ng Buhi, nagpulong na ang Incident Management Team (IMT) for Undas 2020 kahapon para pagplanuhan ang mga hakbang na gagawin sa darating na Undas.

Simula ika-29 ng Oktubre hanggang sa ika-4 ng Nobyembre, isasara ang mga sementeryo, memorial parks at iba pang katulad na lugar. Ito ay ang pagpapatupad sa mga utos na nakasaad sa IATF Resolution no. 72 series of 2020.

Ayon kay Mayor Margier Aguinillo,  babantayan ang mga nasabing lugar simula ika-20 ng Oktubre at lalong paiigtingin simula ika-25 hanggang sa ika-4 ng Nobyembre.

Maari paring bumisita ang mga tao sa mga sementeryo hanggang sa ika-28 ng Oktubre—simula 7:00 AM hanggang 6:00 PM.

Sa bayan ng Baao, isang executive order ang pinalabas ni Mayor Jeff Besenio na may schedule na ang bawat barangay sa kanilang pagpunta ng mas maaga sa lahat ng sementeryo, subalit kailangan pa ring sumunod sa health protocol na ipinapatupad upang makaiwas sa Covid-19.

Sa Balatan, dahil sa banta ng COVID-19 ay minabuti ng halos lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Camarines Sur na isuspinde ang pagbisita ng mga tao sa mga sementeryo ngayong undas, bagkus ay naglaan na lamang ng araw upang kahit papano ay maka-alay pa rin ng kandila, bulaklak at panalangin ang mga kaanak ng mga namatay.

Batay sa sa ipinalabas na Executive Order no. 031 series of 2020 ni Mayor Nena Bagasbas, ang lahat na Barangay ay may kaniya-kaniyang petsa para pumunta sa mga sementeryo simula sa Oktubre 15 hanggang Oktubre 28, 2020.

Mula alas-8:00 ng umaga hanggang ala-12:00 ng madaling araw at ala-1:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon ay mayroong naka-schedule na mga Barangay pero sa Oktubre 26 naman ay tanging mga empleyado at opisyal ng Munisipyo naman ang pupunta sa mga himlayan.

Ang paglilinis naman ng mga puntod ay dapat gawin na bago pa man ang Oktubre 15.

Una rito may kanya-kanya ng patakarang ipinalabas ang bayan ng Nabua at Lungsod ng Iriga na nagsasaad sa pagbabawal sa pagpunta sa mga sementeryo mula October 29 hanggang November 4, 2020.

 

(Source: Province of Camarines Sur)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -