DOTr ipinauubaya sa mga private sectors ang transpo ng kanilang mga empleyado

0
19

Ipinauubaya ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pribadong kumpanya na maituturing na nasa essential sector ang pagbibigay ng transporatsyon sa kani-kanilang mga papasok na empleyado.

Ito ay sa gitna na rin ng suspensyon sa mass public transport kasunod ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon, walang ilalaang shuttle service ang ahensiya para sa mga empleyado mula sa pribado pero maituturing na mahahalagang kumpanya tulad sa bangko, grocery, guwardya at iba pa.

Sinabi ni Tuazon, napag-usapan na aniyang ang mga pribadong korporasyon ang mabibigay at hahanap ng transportasyon para sa kani-kanilang mga empleyado lalu’t may umiiral na pulisya para sa strict home quarantine.

Binigyang diin ng opisyal, tanging mga emergency at healthcare workers ang kanilang bibigyan ng libreng shuttle service.