33.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mga bangkay na narekober sa nangyaring volcanic eruption sa New Zealand nadagdagan

- Advertisement -

Nasa anim na bangkay na ng narekober ng New Zealand Military Specialist, ilang araw matapos ang pagsabog ng bulkan sa White Island.

Agad namang isinakay sa helicopter ang mga natagpuang bangkay at dadalhin sa Auckland para maisailalim sa medical examination at matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Inaasahang ipagpapatuloy din ng New Zealand Military ang kanilang retrieval operation ngayong araw para makuha ang dalawa pang nalalabing bangkay.

Pinaniniwalaan namang anim sa mga biktima ang Australian at dalawa ang New Zealanders na kapwa tourist guide.

Nananatili namang pahirapan ang operasyon ng New Zealand Military dahil sa pananatili pa rin ng mga toxic at nakamamatay na gas sa isla matapos ang pagsabog ng bulkan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -