5 katao patuloy na hinahanap dahil sa lumubog na bangkang de motor sa Surigao Del Sur

0
51

Patuloy na pinaghahananap ang lima katao na kinabibilangan ng tatlong Pinoy at dalawang Australian national matapos lumubog ang bangkang de motor na kanilang sinasakyan sa karagatang sakop ng Hinunangan sa Southern Leyte at Loreto, Surigao Del Sur linggo ng umaga.

Kinilala ang mga nawawalang biktima na sina Grahame David Hastings at Donald o Don Cox kapwa 60 taong gulang at pawang Australian national; at talong Pinoy na sina Jar-Ar Aradaza, 19; Serecio Adanza, 40; at Michael Samatina, 33-anyos.

Sa inisyal na ulat ng Hinunangan Municipal Police Station o MPS sa Southern Leyte, galing sa pangingisda ang mga biktima sa Barangay Tahusan nang bigla umanong lumaki ang alon dahilan para hampasin sila nito hanggang sa lumubog ang kanilang bangka.

Nabatid na nakuha pang humingi ng tulong ng isa sa mga pasahero kaya’t nagsagawa agad ng rescue operation ngunit nawala rin ang contact dito ng mga rescuers.