31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Mga alegasyon ni Lacson mariing itinanggi ni Duque

- Advertisement -

Mariing itinanggi ni Health Sec. Francisco Duque III ang alegasyong nakakuha ng milyun-milyong pisong kontrata sa gobyerno ang kumpanyang pagmamay-ari ng kaniyang pamilya.

Ito ang naging reaksiyon ni Duque matapos ibunyag ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na nakakuha ang DPI o Doctors Pharmaceutical Inc.ng multi-million pesos na kontrata para magsuplay ng gamot sa mga pampublikong ospital.

Ayon kay Duque, taong 2006 pa lang ng umalis siya sa naturang kumpanya kaya’t walang naganap na “conflict of interest” na gaya aniya ng ibinibintang ni Lacson.

Paliwanag ni Duque, sa ilalim ng batas, kinakailangang mag-divest ang isang health sec sa isang kumpanyang mayroong itong shares o investment.

Giit pa nito, noong buwan lamang ng Abril at Agosto nakakuha ang DPI ng kontrata sa gobyerno kung saan hindi pa aniya sa naitatalaga muli bilang health secretary.

Banat pa ng kalihim, pawang ispekulasyon lamang ang mga ipinupukol sa kaniya.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Duque na handa siyang sagutin at sumailalim sa anumang imbestigasyon hinggil sa naturang isyu.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -