Tuesday, May 7, 2024

DILG tiniyak na papatawan ng parusa ang mga alkaldeng mabibigong linisin ang nasasakupang lugar

- Advertisement -

Tiniyak ng DILG o Dept. of Interior and Local Government na papatawan ng parusa ang mga alkalde sa Metro Manila na mabibigong linisin ang kanilang nasasakupang lugar.

Kasunod ito ng ibinigay na 60 araw o hanggang buwan ng Setyembre ng DILG sa mga alkalde ng Metro Manila upang tumalima sa memorandum circular 2019-121 na nag-aatas sa mga alkalde na linisin at tanggalin ang anumang sagabal sa kalsada gaya na lamang ng illegal vendors.

Sa ilalim ng naturang kautusan, obligado ang mga alkalde na ayusin ang mga kalsada at tiyaking madaraanan ang mga ito.

Una rito, sinabi naman ni DILG Usec. Epimaco Densing na mayroon lamang 45 araw ang mga alkalde upang isagawa ang naturang clearing operations.

Ngunit ayon kay Año, pinalawig nila ito para makasunod ang iba pang alkalde na mayroong malaking nasasakupang lugar.

Kasabay nito, ibinabala naman ng kalihim na posibleng patawan ng kagawaran ng dalawa hanggang anim na buwang suspensiyon ang mga alkalde na hindi makakasunod sa kautusan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img